THURSDAY, January 17, 2013

Entertainment

SARAH, umeskapo na ng Pilipinas
Jackie rice, bagong ‘babae’ ni Jacky Woo

 

Dumalo ako sa story-con ng upcoming teleserye na Tatlong Ina, Isang Anak para sa afternoon block ng GMA 7. Kasama kasi sa cast ang actor/producer na si Jacky Woo bilang partner ni Jackie Rice.


Pero pinag-aaralan pa ni Jacky Woo kung kakayanin ng schedules niya ang taping days ng teleserye dahil sa mga commitments niya sa Japan.


Napansin lang namin sa cast na napakabata ng mga artistang gaganap na ina gaya nina Jackie Rice, Camille Pratts at Jennica Garcia. Kaya naging si Monica Louise Rey ang gaganap na anak instead of Jillian Ward na sa tingin nila ay malaki na para ma­ging anak ng tatlo.


Si Direk Don Michael Perez ang direktor at kasama din sina Mark Anthony Fernandez, Carl Guevarra, at Djanin Cruz na may mahalagang role na gagampanan sa nasabing teleserye.


February daw mag-uumpisa itong umere.


Samantala, balik taping si Jacky Woo sa Bubble Gang at may guest appearance siya sa Party Pilipinas sa Linggo.


***


So, nakaalis na pala ng bansa si Sarah Labhati. Wala pa naman legal na hakbang para bigyan ng pahintulot ang mga Immigration officers sa NAIA na harangin ang pag-alis ni Sarah kasama ang ina niya.


Nagsampa pa lang ng kaso ang GMA 7, pero wala pa naman itong reso­lusyon o wala pa naman hold departure order.


Sayang naman si Sarah at puro positive ang nababasa namin sa acting career niya sa Indio, na malaki o malayo ang marara­ting niya sa propesyong pinasukan. Puwede naman mapag-usapan ‘yan sa maayos na pamamaraan.


Well may rason siguro sina Sarah na hindi natin alam. Kaya kung anu-ano ang ispekulasyon ang luma­labas. Hindi natin alam kung may balak pang balikan ni Sarah ang career na iniwan.


Siyempre pagbalik niya rito ay kailangan niyang harapin ang kasong isinampa sa kanya.


***


Last week na pala ng Magdalena at sa ganda ng istorya nito ay marami talaga ang sumusubaybay dito. Nagtagumpay din si Direk Gina Alajar na mapaarte ng bonggang-bongga si Bela Padilla na siyang bida. Kudos sa lahat ng artista dito na pare-parehong magagaling.


***


Speaking of Bubble Gang, mapapanood ang spoof nila sa serye na Sana Ay Ikaw Na Nga bukas (Friday). Mapupuno nga ng kasiyahan ang show dahil sa mga katatawanang hatid ng buong barkada ng Bubble Gang.


Siguradong matatawa sa mga spoofs at game show gags kasama sina Kevin Santos, Sef Cadayona, si Jacky Woo nga, Chariz Solomon, at Bianca King. Sa mga naghahanap ng kaliwanagan, nandito na si Tata Lino, isang matalinong matanda na naninirahan sa kakahuyan, na magbibigay kasagutan sa mga problema.


Abangan din ang pagbabalik ni Mr. Assimo, kasama ang isang volunteer, at Detective James Wang sa kanyang mga adventures. Tiyak na mapapa-boom ang lahat sa isa na namang matinding pick-up-an kasama ang nag-iisang Boy Pick-up.


Isang sketch tungkol sa dental malpractice din ang mapapanood sa Sana Ay Ikaw Nganga.